𝗣𝗥𝗢𝗙𝗜𝗟𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗔𝗞𝗔𝗣 𝗕𝗘𝗡𝗘𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗥𝗜𝗘𝗦, 𝗡𝗔𝗚𝗦𝗜𝗠𝗨𝗟𝗔 𝗡𝗔

CAUAYAN CITY- Nagsimula ngayong araw ang profiling ng mga beneficiaries ng DSWD Ayuda Para sa Kapos ang Kita (AKAP) Program sa bayan ng Angadanan, Isabela.

Base sa inanunsyo ni Municipal Mayor Joelle Mathea Panganiban, ang mga benepisyaryo ng naturang programa ay mga magulang o guardian ng senior high school students na naka enroll sa Academic Year 2024-2025 kung saan ang listahan ng mga mag-aaral ay nagmula sa mga paaralan sa naturang bayan.

Kinakailangan lamang magdala ng kaukulang dokumento katulad ng government issued ID, certificate of low income mula sa Barangay, at cedula.


Samantala, magtatagal ang profiling mula ika-25 hanggang ika-27 ng Setyembre sa IP Hall, Municipal Grounds, Centro 2, Angadanan, Isabela.

Facebook Comments