Opisyal nang inilunsad sa bayan ng Mangaldan ngayong araw ang programang Everyday Bakunahan mula sa kooperasyon ng lokal na pamahalaan ng bayan, World Health Organization, United Nations International Children’s Emergency Fund, Relief International at Department of Health.
Napapaloob sa temang “Bakunaa’y Ogogaw Natan tan Agew-agew”, isasagawa mula Lunes hanggang Linggo kabilang ang holidays at gaganapin sa Mangaldan Urgent Care and Infirmary Clinic.
Target ng Everyday Bakunahan ang mga bata edad 0-59 months sa tatlong kategorya tulad ng Routine Immunization para sa mga bata edad 0-12 months. Habang ang Catch-Up Immunization ay para sa mga edad 13-23 mos at panghuli ang Supplemental Immunization para naman sa mga may edad 24-59
mos.
Patuloy na hinihikayat ng mga nabanggit na tanggapan ukol sa kalusugan kasunod ng pagkakatala ng mga kaso at paglipana ng mga sakit tulad ng laganap sa kasalukuyan na diptheria at pertussis na tanging bakuna lamang ang lunas. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨