𝗣𝗥𝗢𝗚𝗥𝗔𝗠𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗕𝗔𝗛𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗧’𝗟 𝗚𝗢𝗩’𝗧, 𝗡𝗔𝗟𝗔𝗟𝗔𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗨𝗡𝗦𝗔𝗗 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Nasa final stages of review na umano ang pagsasakatuparan ng housing project sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino o 4PH Program sa Pangasinan sa pamumuno ng Pamahalaang Panlalawigan ayon kay Department of Human Settlement and Urban Development Region 1 Director Atty. Richard Ziga.

Ito rin ang ibinahagi ni Vice Governor Mark Lambino sa forum kung saan ipinahayag niya ang nasa 50,000 na residente sa Pangasinan ang magiging benepisyaryo ng naturang programa.

Dinaluhan ito ng mga LGUs sa Pangasinan at tinalakay din ang “Proliferation of Illegal Residential Subdivisions”, “anti-squatting Law” at Administrative Order no. 21. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments