𝗣𝗥𝗢𝗦𝗧𝗛𝗘𝗧𝗜𝗖𝗦 𝗗𝗘𝗩𝗜𝗖𝗘𝗦 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗧𝗜𝗗 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗪𝗗𝗦 𝗦𝗔 𝗜𝗞𝗔𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗡𝗔 𝗗𝗜𝗦𝗧𝗥𝗜𝗧𝗢

Tumanggap ng prosthetic devices ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa ika-anim na distrito ng Pangasinan.

Nauna nang nasukatan ang mga ito upang matiyak na tama ang sukat ng mga kinakailangan prosthetic sa katawan bago maipamahagi sa mga benepisyaryo.

Layon nitong maalalayan at matulungan sa pamamagitan ng pagpapagaan sa ilang mga gawain ang mga PWDs sa kani-kanilang pang-araw araw na pamumuhay.

Samantala, patuloy ding isinusulong sa buong lalawigan ng Pangasinan ang kapakanan at karapatan ng bawat Pangasinenseng may kapansanan kasunod ng pagbubukas ng iba’t-ibang mga programang bebenipisyo sa kanila. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments