Nananawagan ngayon ang mga domestic helpers sa ibang bansa na pagtibayin ang kanilan kontrata ukol sa proteksyon nila.
Diumano, sa naging panayam ng iFM Dagupan sa isang OFW na nakabase sa Qatar, kailangan umano ito dahil kadalasan ay nawawalan ng paki ang mga ahensyang nagpapadala sa kanila. Kung saan, minsan ay hihintayin pa raw na makaranas ng maltrato o di kaya’y mamatay bago sila umaksyon.
Samantala, panawagan din nilang maisaalang-alang ang pagkakapantay-pantay ng mga skilled workers at ng mga DH, dahil sila umano ang madalas makaranas ng pagmamaltrato.
Hiling nilang sila ay marinig sa paparating na SONA, at sila ay mabigyan ng karampatang karapatan bilang sila ay malaking parte rin ng ekonomiya. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments