Nagbabala ang Provincial Tourism Office ng La Union sa publiko ukol sa mga indibidwal na nagpapanggap na organizer ng La Union Surfing Break.
Ito ay matapos makatanggap ang tanggapan ng impormasyon na may mga indibidwal na illegal na nagbebenta ng ticket ng naturang event.
Sa kanilang pahayag, ‘exclusively organized’ umano ng tanggapan ang programa at magmumula lamang sa kanilang opisina at iba pang tourism offices ng bawat munisipalidad ang mga tiket para sa La Union Surfing Break.
Sa kabila nito, inanunsyo naman ng local tourism office ng Bacnotan na matutuloy ang nakatakdang LUSB Bacnotan Leg sa October 25 hanggang October 27.
Hinihikayat naman ng tanggapan na isangguni sa kanilang numero ang anumang ilegal na transaksyon upang maiwasang mabiktima. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨