
โ
โCauayan City – Pinasinayaan ng Police Regional Office 2 sa pangunguna ni Police Brigadier Antonio Marallag Jr. ang bagong Provincial Tactical Operations Center ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office sa Camp Major Saturnino L. Dumlao sa Bayombong.
โ
โSa kanyang mensahe, iginiit ni Marallag ang kahalagahan ng integridad at pagsunod sa โNo Take Policy,โ at hinikayat ang mga pulis na panatilihin ang mataas na antas ng serbisyo para sa kaligtasan ng mga Novo Vizcayano.
โ
โMagsisilbing namang command center ang pasilidad para sa mas mabilis na koordinasyon, komunikasyon, at pagtugon sa mga insidente sa lalawigan na layong palakasin ang intelligence-driven operations at pakikipag-ugnayan sa komunidad.
โ
โDumalo rin sa seremonya sina Vice Governor Eufemia A. Dacayo at mga miyembro ng Provincial Advisory Group for Police Transformation and Development, na nagpahayag ng suporta sa inisyatiba.
โ
โSource: PRO 2
Photo: Nueva Vizcaya Police Provincial Office
————————————–
โPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
โ#985ifmcauayan
โ#idol
โ#numberone
โ#ifmnewscauayan










