Hindi pa gaanong dagsa ang prutas section sa mga pampublikong pamilihan sa lalawigan ng Pangasinan. bagamat isa ito sa mga tinatangkilik kahit pa walang masyadong pagdiriwang.
Nananatili pa rin sa stable na presyo ang mga ito tulad ng Mansanas, Orange, Peras na nasa per piraso ang presyuhan. Naglalaro naman sa 220 hanggang 240 ang per kilo ng ubas.
Inaasahan na ang dagsa ng mga consumer upang makabili ng mga prutas ay sa huling linggo ng buwan ng Disyembre, limang araw bago ipagdiwang ang pagsalubong ng Bagong Taon.
Inaasahan din ng mga manlalako ang malaking kitain, kung may pagtaas man daw ay depende sa demand nito sa merkado.
Samantala, ayon sa mga fruit vendors, sapat naman daw ang suplay partikular ang mga bilog na prutas na kakailanganin sa selebrasyon ng New Year. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments