Wednesday, February 4, 2026

𝗣𝗦𝗔, π— π—”π—šπ—¦π—”π—¦π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 π—‘π—š 𝗒𝗑-π—¦π—œπ—§π—˜ π—£π—›π—œπ—Ÿπ—¦π—¬π—¦ π—₯π—˜π—šπ—œπ—¦π—§π—₯π—”π—§π—œπ—’π—‘ 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗑 π— π—”π—‘π—¨π—˜π—Ÿ

β€Žβ€ŽCauayan City – Ilulunsad ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang on-site Philippine Identification (PhilID) registration sa San Manuel, Isabela sa darating na ika-6 hanggang ika-7ng Pebrero sa ABC Building, Liga Office Municipal Compound, District 3.
β€Ž
Hinihikayat ang mga dadalo na dalhin ang mga kinakailangan gaya ng Birth Certifcate na inisyu ng PSA at isang government-issued ID tulad ng Passport, Driver’s License, PhilHealth, at iba pa, upang mapabilis ang proseso ng pagpaparehistro.
β€Ž
β€ŽPaalala din ng ahensya na ang on-site registration ay eksklusibo lamang para sa mga bago at wala pang National ID.
β€Ž
β€ŽPara naman sa updating o pagsasayaayos ng impormasyon, maaring bumisita sa kanilang opisina sa PSA Isabela Office sa San Vicente, City of Ilagan, Isabela.
β€Ž
β€ŽLayunin ng on-site PhilID registration na maabot ang mas maraming mamamayan at mabigyan sila ng madaling access sa serbisyo, habang tinitiyak ang tamang pagkolekta ng impormasyon gamit ang mga kinakailangang dokumento tulad ng birth certificate at iba pang government-issued ID.

β€Ž——————————————
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments