𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗖 𝗖𝗢𝗡𝗦𝗨𝗟𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗣𝗔𝗥𝗔 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗗𝗘𝗩𝗘𝗟𝗢𝗣𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗣𝗜𝗧𝗢𝗟𝗬𝗢 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

Isinagawa kahapon ang isang public consultation sa Pangasinan Training and Development Center 1 sa bayan ng Lingayen para sa panukalang redevelopment ng Capitol Complex ng lalawigan ng Pangasinan.
Pinangunahan ng kawani ng pamahalaang panlalawigan at dinaluhan ito ng mga kinatawan ng DENR, DPWH, FADZ+Casanova Design Team, mga residente, at mga opisyal ng Brgy. Libsong West at Poblacion sa bayan.
Tinalakay sa konsultasyon ang background, mga plano, at kahalagahan ng proyekto sa komunidad.

Sa pamamagitan ng open forum, nabigyan ng pagkakataon ang mga concerned citizen na linawin at ilabas ang kanilang mga opinyon kaugnay sa panukalang proyekto.
Naipakita rin sa mga dumalo sa konsultasyon na mapanood ang nasabing proyekto sa pamamagitan ng audio-visual presentation na nagpapakita kung ano ang magiging hitsura ng Kapitolyo at mga bahagi nito.
Ayon kay Vice Governor Mark Lambino, na bahagi ng master plan sa proyekto ang pagtatayo ng Capitol Plaza kung saan lahat ng opisina ng pamahalaang panlalawigan ay ilalagay sa isang lugar para sa accessible at mas madaling transaksyon.
Tiniyak ni Lambino na ang pamahalaang panlalawigan ay hindi lamang nakatutok sa mga proyektong pang-imprastraktura kundi maging sa mga serbisyong panlipunan.
Samantala, tiniyak din ni Provincial Legal Officer Baby Ruth Torre na ang proyekto ay para sa ikabubuti ng lalawigan at nananawagan ito sa patuloy na suporta ng mga mamamayan para sa lalawigan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments