
βCauayan City β Naglabas ng scam alert ang mga awtoridad kaugnay ng isang umanoβy pekeng Viber account na gumagamit ng pangalang βRodito Albanoβ na may kalakip na Philippine flag emoji, na iniulat na sangkot sa pang-scam sa publiko.
β
βBatay sa ulat, ang nasabing mobile number na konektado sa Viber account ay kasalukuyang pinatatakbo umano ng isang scammer.
β
βPinayuhan ang publiko na maging mapanuri at huwag agad maniwala sa mga mensahe o tawag na nagmumula sa naturang account, lalo na kung ito ay humihingi ng pera, personal na impormasyon, o anumang sensitibong detalye.
β
βAyon sa paalala, mahalagang iwasan ang pagbabahagi ng mga personal na impormasyon sa hindi beripikadong account.
β
βBukod pa rito, kaagad na i-report o i-block ang mga kahina-hinalang numero, siguraduhin ring legit ang pagkakakilanlan ng kausap bago makipagtransaksyon.
β
βDahil dito hinihikayat ng mga awtoridad ang mga residente na agad na iulat sa kinauukulan ang anumang kahalintulad na insidente upang maiwasan ang pagdami pa ng mabibiktima.
β
βPatuloy namang pinaaalalahanan ang publiko na maging mapanuri sa paggamit ng social media at messaging applications upang hindi mabiktima ng online scams.
πΈ: ISABELA PIO
————————————–
βPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β#985ifmcauayan
β#idol
β#numberone
β#ifmnewscauayan










