Kasabay ng pagpasok ng holiday season ngayong buwan ng Disyembre, kaliwaβt kanan na rin ang mahigpit na paalala ng awtoridad ukol sa mga magsisilipanang pekeng pera.
Ngayong panahon kasi inaasahan na mas maraming pera ang lalabas kung saan sasabayan na rin ito ng mga nananamantalang tao upang makapanloko o makapag-iskam.
Dahil dito pinag-iingat ng Bangko Sentral ng Pilipinas ang publiko na magmatyag sa mga taong gagamit ng pekeng pera para lang makapanloko o mananamantala ngayong panahon ng kapaskuhan.
Gaya na lamang ni Jesica Sernicula na may tindahan sa Dagupan City, doble ingat daw siya sa mga tinatanggap nitong pera mula sa mga costumer nito dahil mahirap na aniyang masalisihan ng mga manloloko.
Bago aniya suklian o ibigay ang binibiling produkto ng costumer ay mahigpit niyang chinicheck ang features ng totoong pera at kung malaki aniya ang bill ng costumer mas lalo siyang nag-iingat.
Samantala, nagpalabas naman ng magkakahiwalay na abiso ang BSP, DTI, DILG at LTFRB na kahit na natupi ang 1000-piso polymer banknote ay mananatili pa rin ang halaga nito.
Ipagbigay-alam din agad ang hindi pagtanggap ng may tuping polymer banknote sa awtoridad upang agad na maaksyonan ang mga ito. |πππ’π£ππ¬π¨
Facebook Comments