Nag-iingat ngayon ang publiko katulad ng mga Pangasinense ukol sa talamak na online love scams at iba pang klase ng scamming na isinasagawa ng mga scammers online.
Ang ilan, sinisiguro at chinicheck mabuti kung sino ang mga inaaccept sa mga friend request sa kanilang mga social media sites at minabuting iprivate ang privacy ng kanilang mga accounts.
Kadalasan umanong mga biktima ng ganitong klase ng scam ay mga older singles na naghahanap na ng karelasyon sa pamamagitan ng mga social media sites.
Patuloy naman ang pagsulong sa pagbibigay babala at paalala ang National Telecommunications Commission Region 1 ukol sa mga nagaganap na online love scams.
Ayon kay NTC R1 legal officer Lawyer Ana Minelle Maningding, ginagamit ang ganitong klase ng modus para kunin ang tiwala ng biktima gamit ang pagkukunwari ng scammer na interesado ito sa relasyon at saka unti-unting nanghuhuthot ng pera online. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨