𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗛𝗜𝗡𝗜𝗛𝗜𝗠𝗢𝗞 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗦𝗨𝗦𝗨𝗢𝗧 𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗠𝗔𝗦𝗞 𝗞𝗔𝗦𝗨𝗡𝗢𝗗 𝗡𝗚 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗦𝗢 𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗣𝗜𝗥𝗔𝗧𝗢𝗥𝗬 𝗜𝗟𝗟𝗡𝗘𝗦𝗦𝗘𝗦

Patuloy na hinihimok ng mga health authorities ang publiko sa ukol sa pagsusuot ng face mask kasunod ng dumaraming kaso ng respiratory illnesses sa bansa.

Sa lalawigan ng Pangasinan, unti-unting ibinabalik umano ng mga Pangasinense ang kaugalihang magsuot ng face mask sa tuwing lalabas sa mga pampublikong lugar.

Ilang mga salik tulad ng pabago-bagong panahon ang maaaring sanhi ng pagdami ng kaso ng mga nagkakasakit, nagkakaroon ng ubo, sipon, at iba.

Ayon sa mga personal na nakapanayam ng IFM News Team, mas maigi raw ang pagsuot ng mask lalo ngayong dagsa ang mga public places alinsunod sa selebrasyon ng holiday season.

Tiyak ang dagsa kaya’t hindi maiiwasan ang siksikan ng mga tao at upang mas masiguro ang mababang tyansa ng pagkakahawa ay mainam ang pagsuot ng face mask.

Samantala, sa kabila nito ay tiniyak ng DOH na hindi kinakailangan ang i-require ang pagsuot ng mask bagamat ito ay inirerekomenda partikular sa mga gaganaping pagtitipon at sinabi pa ng ahensya na nakaantabay ang mga ito kaugnay sa naturang sitwasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments