𝗣𝗨𝗕𝗟𝗜𝗞𝗢, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚-𝗜𝗜𝗡𝗚𝗔𝗧 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗔𝗦 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗘𝗣𝗧𝗢𝗦𝗣𝗜𝗥𝗢𝗦𝗜𝗦 𝗗𝗔𝗛𝗜𝗟 𝗦𝗔 𝗣𝗢𝗦𝗜𝗕𝗟𝗘𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗔𝗛𝗔

Pinag-iingat ngayon ng City Disaster Risk Reduction and Management Council San Carlos City ang publiko sa mataas na banta ng leptospirosis sa kasagsagan mismo ng nararanasang epekto ng Habagat.

Ayon sa tanggapan, ilang mga bata sa lungsod ang nagtatampisaw sa mga naiipong tubig sa gilid ng kalsada at hindi alintana ang sakit na maaring makuha dito.

Maari umanong may dalang dumi o ihi ng daga ang mga naipong tubig ulan kung kaya’t hinihikayat ang mga magulang na pigilan ang mga ito sa pagtatampisaw.

Inihayag ng tanggapan na nanatili itong naka monitor sa gitna pa rin ng pagbuhos ng pabugso bugsong pag-ulan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments