Pinag-iingat ng Department of Health Region 1 ang publiko sa wild diseases o ang water-borne diseases, influenza, leptospirosis at dengue dahil sa ulang nararanasan at pagbaha.
Ayon kay DOH Ilocos Regional Director, Dr. Paula Paz Sydiongco, mainam na huwag lumusong o maglaro sa tubig baha dahil ito ay breeding ground ng mga bacteria at virus na nagdudulot ng sakit. Hindi rin inirerekomenda ng tanggapan ang self-medication sa kaso ng leptospirosis dahil mainam na magamot ito sa health facilities.
Dagdag ng opisyal, huwag isawalang-bahala at magpakonsulta kung makakaranas ng lagnat, pananakit ng ulo at katawan, diarrhea at skin rashes dahil maaring sintomas ito ng W. I. L. D. diseases.
Paalala ng tanggapan sa publiko na panatilihin ang kalinisan upang maiwasan ang pagkalat ng sakit. Paniniguro ni Sydionco, naka-full alert ang kanilang tanggapan at nakikipag-ugnayan sa mga provincial health offices upang makapagbigay ng serbisyo medikal. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨