𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦, 𝗡𝗔𝗧𝗔𝗚𝗣𝗨𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗧𝗔𝗬 𝗦𝗔 𝗜𝗦𝗔𝗡𝗚 𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧 𝗦𝗔 𝗕𝗢𝗟𝗜𝗡𝗔𝗢

Natagpuang wala ng buhay ang isang pulis sa isang kwarto ng resort sa Bolinao, Pangasinan. Ang biktima ay 41 anyos at naka-destino sa Cybersecurity ng Quezon City Police District.

Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, nakita umano ng misis nito ang kaniyang asawa na nasa banyo na walang malay. Agad na humingi ng tulong ang ginang sa staff ng resort at Bolinao MDRRMO kung saan naitakbo ang biktima sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival.

Napag-alaman na may iniinom nang maintenance ang biktima simula noong ito ay 32 anyos dahil sa kanyang cholesterol at high blood pressure. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments