𝗣𝗨𝗟𝗜𝗦 𝗡𝗔 𝗡𝗔𝗚𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗡𝗚 𝗦𝗘𝗔𝗥𝗖𝗛 𝗪𝗔𝗥𝗥𝗔𝗡𝗧, 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗥𝗜𝗟, 𝗦𝗨𝗚𝗔𝗧𝗔𝗡!

CAUAYAN CITY – Maswerteng hindi napuruhan ang isang operatiba ng Nueva Vizcaya Police Provincial Office matapos itong barilin ng isang lalaki na sisilbihan ng Search Warrant sa Sitio Dinili, Brgy. San Fernando, Bambang, Nueva Vizcaya.

Nakilala ang dalawang suspek na sina alyas “Don”, residente ng Brgy. San Fernando, high level individual, at alyas Neri na mula sa Poblacion South, Solano.

Sa ulat, nang maramdaman umano ni alyas Don ang presensya ng mga pulis sa kanyang tahanan ay kaagad itong nagpaputok ng baril, dahilan upang gumanti rin ng putok ang tauhan ng NVPPO sanhi upang tamaan sa bahaging daliri ang suspek na nauwi sa kanyang pagkakaaresto.


Nasamsam mula sa tahanan ng suspek ang ilang sachet na naglalaman ng iligal na droga, drug paraphernalia, isang yunit ng short firearm, at 15 live ammunition.

Samantala, sasampahan naman ng kasong RA 10591 at RA 9165 o mas kilala bilang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dalawang akusado.

Facebook Comments