Hinahangaan ngayon ang isang pulis na tumulong sa isang buntis na inabot ng panganganak sa isang sasakyan sa bayan ng San Jacinto.
Hindi nagdalawang isip si PLT Celeste Cereno na saklolohan ang isang ginang kasama ang kanyang asawa at ina na humihingi ng tulong dahil ito ay manganganak na.
Agarang tumawag si Cereno ng ambulansya upang madala sa Mapandan Community Hospital ang buntis.
Nang oras na iyon ay hindi available ang ambulansya kaya’t agad nilang ginamit ang police mobile ng San Jacinto Police Station.
Inabutan na sa panganganak ang ginang kung kaya’t mismong si Cereno na ang nagpaanak.
Ito ay isang registered nurse kaya naman siya ay may kaalaman sa ganoong klase ng sitwasyon.
Malaki naman ang pagpapasalamat ng ginang sa ginawang pagtulong ng pulis. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨