𝗣𝗨π—₯π—’π—žπ—”π—Ÿπ—¨π—¦π—¨π—šπ—”π—‘ π—‘π—š 𝗗𝗒𝗛 π—₯π—˜π—šπ—œπ—’π—‘ 𝟭, π——π—œπ—‘π—”π—Ÿπ—” 𝗦𝗔 π— π—”π—Ÿπ—”π—¦π—œπ—€π—¨π—œ

Umarangkada sa bayan ng Malasiqui ang programang Purokalusugan ng Department of Health na pinangasiwaan ng DOH – Center for Health Development 1.

Tinatayang nasa tatlong libong mga residente ang nakinabang sa mga serbisyong medikal sa ilalim nito na kinabibilangan ng immunization, maternal health services, environmental control program at iba pa.

Benepisyaryo pa ang mga ito ng libreng lab services tulad ng ECG, XRay, Ultrasound, maging minor surgeries at dental services.

Ang nasabing program ay nakaayon sa 8-Point Action Agenda ng ahensya na may layong mailapit sa mga komunidad ang mga serbisyong pangkalusugan upang maitaguyod ang pangkalahatang kapakanan sa kalusugan ng bawat mamamayan. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments