Nakatanggap na ng pamaskong handog ang 467 na Persons with Disability (PWD) mula sa bayan ng Pozzurubio, noong ika-18 ng Disyembre.
Ang cash assistance ay ipinamahagi sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa 34 na barangay sa nasabing bayan.
Ang naturang pamasko ay isa mga ipinaabot na tulong Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO), ang ahensya na nagpapatupad ng mga programa sa pagtulong sa mga naturang constituents at iba pa.
Ang pagbibigay ng pamasko ay masayang pinasinayaan ng alkalde ng bayan at ng MSWDO sa pangunguna ni Ms. Joy Jo Ann Veniegas, Registered Social Worker ng bayan.
Samantala, patuloy pa rin ang pagpapamahagi ng cash assistance sa iba’t-ibang sektor ng lipunan mula sa mga ahensya ng gobyerno sa naturang bayan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨