𝗣𝟭𝟭𝗠 𝗡𝗔 𝗕𝗔𝗚𝗢𝗡𝗚 𝗪𝗔𝗥𝗘𝗛𝗢𝗨𝗦𝗘 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗧𝗥𝗘𝗔𝗧𝗠𝗘𝗡𝗧 𝗔𝗡𝗗 𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗖𝗘𝗡𝗧𝗘𝗥, 𝗣𝗜𝗡𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗬𝗔𝗔𝗡

Pormal nang binuksan ang bagong tayong warehouse at health facility ng Dagupan Treatment and Rehabilitation Center (DTRC) sa Brgy. Bonuan Binloc sa lungsod.

Kabuuang labing-isang milyong piso ang halagang inilaan sa pagpapatayo ng dalawang pasilidad, registry at administration building. Makatutulong ang bagong imprastraktura sa pagpapalawig pa ng mga kinakailangang serbisyo at dokumento ng mga pasyente at mga kawani ng center.

Taglay ng naturang Treatment Rehabilitation Center ang 300 bed capacity na may layong makapagbigay ng iba’t-ibang health services tulad ng Residential Program, Outpatient services, Preventive Education at Follow-up.

Samantala, pinangunahan ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire kasama si RD Paula Paz Sydiongco sa naganap na inagurasyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments