Monday, March 23, 2026

๐—ฃ๐Ÿญ๐Ÿฑ๐Ÿต๐—ž ๐—›๐—”๐—Ÿ๐—”๐—š๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—˜ ๐—Ÿ๐—จ๐— ๐—•๐—˜๐—ฅ, ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐— ๐—ฆ๐—”๐—  ๐—ฆ๐—” ๐——๐—œ๐—”๐——๐—œ; ๐Ÿฎ ๐—œ๐—ก๐——๐—œ๐—•๐—œ๐——๐—ช๐—”๐—Ÿ, ๐—”๐—ฅ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐——๐—ข!

โ€ŽCauayan City – Nadakip ang dalawang lalaki matapos masabat ang hindi dokumentadong pine lumber na nagkakahalaga ng โ‚ฑ159,195 sa isang routine checkpoint sa Brgy. Nagsabaran, Diadi, Nueva Vizcaya, ika-21 ng Marso.

โ€ŽSa ulat ng kapulisan, pinahinto ng mga tauhan ng 1st Nueva Vizcaya Provincial Mobile Force Company katuwang ang Diadi Police Station ang isang Isuzu Elf truck na minameho ni alyas “Ipe”, 25-anyos, driver, kasama si alyas “Jay”, 18-anyos, isang helper, parehong mula sa Mt. Province.

โ€ŽUnang sinabi ng mga suspek na gulay ang kanilang kargamento, ngunit kalaunaโ€™y napatunayang hindi ito totoo.

โ€ŽNagdulot ng hinala ang matapang na amoy ng kahoy mula sa sasakyan kaya agad itong sinuri ng mga operatiba.

โ€ŽSa kanilang inspeksyon, natuklasan ang mahigit 3,500 board feet ng pine lumber na walang sapat na dokumento para sa transportasyon.

โ€ŽNahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Presidential Decree 705 ang mga suspek, habang patuloy ang imbestigasyon ng pulisya.

โ€ŽAyon sa mga awtoridad, bahagi ito ng mas pinaigting na operasyon laban sa illegal logging at sa pangangalaga ng likas na yaman sa lalawigan.

โ€ŽSource: Nueva Vizcaya PPO

Facebook Comments