𝗣𝟭.𝟯 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗔𝗟𝗔𝗚𝗔 𝗡𝗚 𝗟𝗜𝗩𝗘𝗟𝗜𝗛𝗢𝗢𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗚𝗞𝗔𝗟𝗢𝗢𝗕 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗔𝗦𝗢𝗦𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗔𝗡𝗗𝗔

Aabot sa 1.3 milyong piso na livelihood project mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang ipinagkaloob sa tatlong asosasyon sa bayan ng Anda, Pangasinan.

Kabilang sa mga tatanggap ang Samahang Mamamayan sa Macandocandong na may 400,00 pesos na halaga ng Retail of Agricultural Supplies at Fishing Material Project.

Dalawampu’t isang benepisyaryo naman mula sa Carot Integrated Farmers Association ang tumanggap ng P400,000 halaga ng Commercial Rice Trading Project habang labinlimang benepisyaryo naman sa Tondol Motorboat Association ang tumanggap ng P500,000 rental of water-based activity project.

Kabuuang limampu’t anim na benepisyaryo mula sa mga natukoy na asosasyon sa Anda ang makikinabang at makatutulong sa naturang proyekto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments