Sinimulan na ang pagbebenta ng bente nuebe pesos (P29) kada kilo ng bigas sa Ilocos Norte sa paglulunsad ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice sa Kadiwa ng Pangulo ng National Irrigation Administration Region 1.
Nakabili ng tig sampung kilo ng bigas ang mga nasa vulnerable sectors gaya ng senior citizens, persons with disabilities, solo parents, at mga miyembro ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) sa NIA-INIMO Covered Court sa San Nicolas Ilocos Norte.
Ang naibentang bigas ay bahagi ng unang ani ng mga irrigators association sa probinsya na nasa ilalim ng rice contract farming ng ahensya.
Maliban sa murang bigas iba’t-ibang produkto ng rehiyon gaya ng bangus, bagoong, suka at bagong aning gulay ang nabili ng mga konsumer. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments