𝗣𝟯𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗧𝗔𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗕𝗜𝗡𝗠𝗔𝗟𝗘𝗬 𝗦𝗔 𝗕𝗔𝗡𝗚𝗞𝗢 𝗡𝗢𝗢𝗡𝗚 𝟮𝟬𝟬𝟴, 𝗞𝗪𝗜𝗡𝗘𝗦𝗧𝗬𝗢𝗡

Kinwestyon ng kasalukuyang administrasyon ng Binmaley ang P30 milyong bank loan noong 2008 na hindi umano malinaw kung saan napunta.

Sa ginanap na press briefing ni Incumbent Mayor Pedro Merrera III noong kasagsagan ng COC Filing, hiling nito ang transparency umano sa kung saan ginastos ang inutang na pera lalo na kung mababa naman local source fund ng isang bayan. Aniya, dagdag umano ito sa paghihikahos ng mga residente lalo kung maliit ang potensyal na makapagbayad ng malaking bank loan. Bumwelta naman ang noo’y alkalde ng bayan at kasalukuyang Vice Mayor ng Binmaley na si Simplicio Rosario.

Aniya,inilaan ang naturang halaga sa konstruksyon ng bagong public market at multi-purpose evacuation center at pawang napagkukuhanan ng return of investment dahil sa rental fees. Dagdag nito, ang approval ng bank loan ay nasa diskresyon ng bangko kung makikitang kakayanin ng budget ng lender ang buwanan o taunang pagbabayad.

Bukod dito, inihayag din ng opisyal na nakasaad umano sa RA 7160 na hindi maaring pumasok sa isang kasundun ang isang local chief executive kung ito ay hindi inaprubahan ang resolusyon mula sa Sangguniang Bayan na pinamunuan ni Mayor Merrera na noon ay bise alkalde.

Samantala, inilahad naman ni Mayor Merrera na mula sa P12 million na local source fund noong 2022 sa bayan ngayon ay lumago na ito sa abot P42 million ngayon taon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments