Kasado na ang daily minimum wage increase sa pribadong sektor sa Ilocos Region ayon sa Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB).
Nakasaad sa Wage Order No. RB 1-23, aprubado ang P33 na dagdag sahod sa mga manggagawa.
Dahil dito, aabot na sa P468 pesos ang daily minimum wage sa mga empleyado ng non-agri sector na may higit sampung manggagawa habang P435 naman sa mga mas mababa sa sampo ang empleyado.
Ang naturang panukala ay base sa konsultasyon at public hearing na isinagawa ng tanggapan sa apat na probinsya ng rehiyon katuwang ang mga kawani mula sa gobyerno at labor sectors.
Epektibo ang panukala sa taas sahod simula November 7, isang araw matapos ang anibersaryo ng taas sahod na ipinatupad noong November 6 taong 2023. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨