𝗣𝟱𝟭𝟬 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡, 𝗜𝗣𝗜𝗡𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗚𝗜 𝗡𝗚 𝗣𝗖𝗜𝗖 𝗦𝗔 𝗠𝗚𝗔 𝗡𝗔𝗦𝗔𝗟𝗔𝗡𝗧𝗔 𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗚𝗬𝗢 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗩𝗔𝗟𝗟𝗘𝗬

CAUAYAN CITY- Umabot sa P510 million na halaga ng bayad-pinsala ang ipinamahagi ng Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) Region 2 sa lambak ng Cagayan maging sa Eastern Cordillera nitong taong 2023.
Ayon kay Louterio Sanchez, officer-in-charge ng Claims Adjustment Division ng ahensiya, 77,000 na magsasaka na napinsala ang mga taniman ng bagyo, peste, at tagtuyot ang nabigyan ng tulong.
Pinakamalaking pananim na napinsala ay mais kung saan umabot sa 367.4 million pesos ang nabayaran dito ng PCIC.

Bukod dito, 2,475 na hog raisers din ang binayaran ng ahensiya sa pagtama ng African Swine Fever na may katumbas na halaga na P44.4 milyon.
Paliwanag ni Sanchez, marami silang natanggap na aplikasyon para sa bayad-pinsala na umabot sa 120,000 ngunit ang iba rito ay wala pa sa sampung porsyento ang pinsala sa kanilang mga pananim.
Facebook Comments