Uumpisahan na ang konstruksyon ng bagong gusali ng Eastern Pangasinan District Hospital matapos ang isinagawang groundbreaking ceremony nito.
Ang naturang ospital sa Brgy. Carriedo, Tayug ay kasalukuyang napapakinabangan ng mga residente mula sa mga bayan ng Tayug, San Nicolas, Sta Maria, Balungao, San Quintin at Natividad.
Mula ang inilaang pondo na P70M sa general fund, perang naipon ng probinsya, share sa tobacco excise tax at tulong mula sa National Government.
Kasabay pa nito ang pagkakaroon din ng mga makabagong medical equipment tulad ng CT Scan, X-Ray at Ultrasound Machine.
Samantala, layon nitong mas mapabuti pa ang pagbibigay ng kalidad na serbisyong pangkalusugan para sa mga Pangasinense sa ikaanim na distrito ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨