𝗤 𝗙𝗘𝗩𝗘𝗥, 𝗠𝗔𝗛𝗜𝗚𝗣𝗜𝗧 𝗡𝗔 𝗕𝗜𝗡𝗔𝗕𝗔𝗡𝗧𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Mahigpit na binabantayan ng pamahalaang lalawigan ng Pangasinan ang banta ng Q Fever kung saan ang mga kambing, baka, at iba pang hayop ang target umano ng sakit na ito.

Sa pagtataya ni Pangasinan Provincial Veterinary Officer Dr. Arcely Robeniol, bagama’t wala pang naitalang kaso ng Q Fever sa lalawigan, hindi dapat makampante ang lahat.

Dagdag pa niya, ang Q Fever ay isang bacterial disease at naipapasa ito mula sa hayop hanggang tao ngunit ang taong may Q Fever ay hindi pwede makahawa sa taong hindi infected nito.

Samantala, ang sintomas ng Q Fever katulad ng ibang sakit ay ubo, sipon, lagnat at pagkahilo. Pinayuhan naman ni Dr. Robeniol na mag doble-ingat ang lahat upang maiwasan ang sintomas nito. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments