Tuesday, February 17, 2026

โ€Ž๐—ฅ๐—”๐—–๐—จ ๐Ÿฎ ๐—ก๐—”๐—š๐—•๐—”๐—•๐—”๐—Ÿ๐—” ๐—ฆ๐—” ๐—ฃ๐—”๐—š๐—ง๐—”๐—”๐—ฆ ๐—ก๐—š ๐—Ÿ๐—ข๐—ฉ๐—˜ ๐—ฆ๐—–๐—”๐—  ๐—”๐—ง ๐—ฆ๐—˜๐—ซ๐—ง๐—ข๐—ฅ๐—ง๐—œ๐—ข๐—ก ๐—ก๐—š๐—”๐—ฌ๐—ข๐—ก๐—š ๐—ฃ๐—˜๐—•๐—ฅ๐—˜๐—ฅ๐—ข

โ€ŽCauayan City – Patuloy ang pagpapaalala ng Regional Anti-Cybercrime Unit 2 ng Philippine National Police laban sa tumataas na kaso ng love scam at sextortion ngayong Pebrero.
โ€Ž
โ€ŽAyon sa kanilang monitoring, dumarami ang mga insidente ng online romance scam tuwing Heart’s Month.
โ€Ž
โ€ŽPaliwanag ni Police Captain John Carlo Lozada, ginagamit ng mga scammer ang pagpapanggap na may romantikong interes upang makapanloko at makakuha ng pera, personal na impormasyon, o kontrol sa pananalapi ng biktima, na kadalasang mga balo, single parent, o retirado.
โ€Ž
โ€ŽDagdag pa nito, may mga suspek umanong foreigner at mayroon ding lokal na sangkot, at ang ilan ay kumikilos bilang organisadong grupo.
โ€Ž
โ€ŽNoong nakaraang taon, tatlong kaso ng love scam ang naisampa na at kasalukuyang hinihintay ang resolusyon ng korte.
โ€Ž
โ€ŽSamantala, patuloy ring mino-monitor ng RACU 2 ang mga kaso ng sextortion kung saan lihim na nire-record ang mga pribadong video call at ginagamit sa pangingikil.
โ€Ž
โ€ŽPinayuhan ng pulisya ang publiko na maging mapanuri sa pakikipagkilala online at huwag basta magbahagi ng pribadong impormasyon o sensitibong materyal.
โ€Ž
โ€ŽSource: Radyo Pilipinas Tuguegarao

————————————–

โ€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.

โ€Ž#985ifmcauayan
โ€Ž#idol
โ€Ž#numberone
โ€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments