Monday, February 9, 2026

π—₯𝗔𝗠𝗒𝗑 𝗣𝗑𝗣 𝗔𝗧 π— π—šπ—” π— π—”π—š-𝗔𝗔π—₯π—”π—Ÿ, π—‘π—”π—šπ—žπ—”π—œπ—¦π—” 𝗦𝗔 𝗗π—₯π—¨π—š π—¦π—¬π— π—£π—’π—¦π—œπ—¨π—  𝗔𝗧 π—”π—‘π—§π—œ-π—•π—¨π—Ÿπ—Ÿπ—¬π—œπ—‘π—š π—–π—”π— π—£π—”π—œπ—šπ—‘

Cauayan City – Pinangunahan ng Ramon Police Station ang isinagawang Drug Symposium at Anti-Bullying Campaign sa Planas Integrated School sa Barangay Planas bilang bahagi ng pinaigting na kampanya laban sa ilegal na droga at bullying sa hanay ng kabataan.

Bitbit ang mensaheng β€œKaalaman ang pinakamabisang sandata,” ibinahagi ni Police Corporal Jhoana Key R. Felipe, ang mahahalagang impormasyon tungkol sa masasamang epekto ng ilegal na droga.

Layunin ng aktibidad na maprotektahan ang mga mag-aaral mula sa mapanirang bisyo at mahikayat silang tahakin ang landas tungo sa ligtas at matagumpay na kinabukasan.

Katuwang ng kapulisan ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) kung saan nagbigay si Angel Banhan-Valdez, RSW ng talakayan hinggil sa Anti-Bullying at binigyang-diin ang kahalagahan ng respeto, malasakit sa kapwa, at pangangalaga sa mental health ng mga mag-aaral sa loob ng paaralan.

Sa pamumuno ni School Head Reynaldo C. Andres at suporta ng mga guro, muling pinagtibay ang mahalagang papel ng ugnayan ng pulisya at paaralan sa paghubog ng disiplinado at responsableng kabataan.

Ayon sa Ramon Police Station, magpapatuloy ang kanilang pakikipag-ugnayan sa mga paaralan upang matiyak na ang kabataan ay ligtas, may sapat na kaalaman, at malayo sa anumang banta ng ilegal na droga at karahasan.

————————————–
β€ŽPara sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
β€Ž#985ifmcauayan
β€Ž#idol
β€Ž#numberone
β€Ž#ifmnewscauayan

Facebook Comments