Itinaas na ng Regional Disaster Risk Reduction Management Council 1 (RDRRMC 1) Emergency Operations Center (EOC) sa Red Alert Status ang buong Ilocos Region simula pa kahapon.
Matatandaan na nauna nang isinailalim ang buong rehiyon sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 bunsod ng Bagyong Gener at Southwest Monsoon.
Kaugnay nito, naisagawa na ang Pre-Disaster Risk Assessment o PDRA Meeting kasama ang iba’t-ibang concerned agencies upang talakayin ang kahandaan ng bawat ahensya ngayong panahon ng kalamidad.
Kasabay nito ang pag-activate ng CHARLIE Emergency Preparedness and Response (EPR) Protocol kung saan aasahan ang pag-antabay sa mga pinakahuli at napapanahong sitwasyon, agarang pagresponde, rapid deployment of personnels, at ilan pang paghahanda ng RDRRMC 1 upang matiyak ang kaligtasan ng mga residenteng sakop ng Region 1. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨