
Cauayan City – Kasalukuyan ang Humanitarian Response ng Red Cross – Isabela Chapter sa Brgy. Gomez, San Isidro, Isabela.
Ang nabanggit na aktibidad ay bilang bahagi ng patuloy na pagpapaabot ng tulong ng Rex Cross sa mga residente na lubhang naapektuhan ng hagupit ni Bagyong Uwan noong nakaraang taon.
Sa bayan ng San Isidro, 406 na benipesyaryo mula sa 4 na Barangay na kinabibilangan ng Brgy. Ramos East, Ramos West, Quezon, at Brgy. Gomez ang makakatanggap ng food items.
Laman ng nabanggit na food items ay bigas, De lata, noodles, at kape.
Maliban dito, dinala rin ng Red Cross ang ilan sa kanilang mga serbisyo katulad na lamang ng Health Service kung saan libreng consultation at basic medicines ang ibibigay sa mga benepisyaryo.
Ito na ang ikatlong bayan na napuntahan ng Red Cross-Isabela Chapter sa lalawigan ng Isabela at inaasahang magpapatuloy pa ang paghahatid nila ng kanilang serbisyo sa mga mamamayan na naapektuhan ng nagdaang unos.
————————————–
Para sa update at iba pang mga balita, bisitahin ang aming facebook page 98.5 iFM Cauayan at ang aming website, www.rmn.ph/985ifmcauayan.
#985ifmcauayan
#idol
#numberone
#ifmnewscauayan










