Isinagawa ang Regional Bio-Fertilizer Summit para sa mga magsasaka mula sa iba’t-ibang distrito ng lalawigan ng Pangasinan para sa patuloy na pagsuporta sa sektor ng agrikultura.
Sa pamamagitan ng naturang summit ay nabigyan ng mas malawak na kaalaman ang mga magsasaka sa lalawigan tungkol sa produktong biofertilizer.
Makatutulong ang pagiging maalam ng mga ito sa naturang fertilizer upang maitaas pa ang kanilang ani sabay na rin sa pagbaba ng kanilang gastusin sa pagsasaka.
Ito ang kauna-unahang Regional Biofertilizer Summit na isinagawa sa lalawigan ng Pangasinan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments