Nanguna ang Region one sa buong bansa bilang producer ng produktong mangga at iba pang high value commodities ayon sa High Value Crops Development Program ng Department of Agriculture Region 1.
Sa datos na iprinisenta ng Department of Agriculture R1, kabuuang 17,890 hectares ang naanihan na area mula sa 133,864 metric tons na volume production ng Mangga na siyang naani sa buong Rehiyon Uno.
Ibig sabihin, nangunguna ang ilocos region pagdating sa produsyon ng mangga at katumbas ng 21% production share sa buong bansa.
Sapat naman ang supply ng mangga sa rehiyon habang nangunguna rin ang rehiyon sa produksyon ng iba pang High Value Crops Commodities tulad ng kamatis, talong, legiums at mani.
Samantala, naglaan naman ng Department of Agriculture ng pondo para sa mga programa sa ilalim ng High Value Crops Development Program kung saan nagkakahalaga ng P126.4 milyon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨