Handa ang Region 1 sakaling tumama ang mga kalamidad ayon sa Office of the Civil Defense Region 1.
Sa panayam ng IFM Dagupan kay OCD Region 1 Spokesperson Adreann Pagsolingan, nakalatag na ang iba’t ibang contingency plans ng ahensya kasama ang Regional Disaster Risk Reduction Management Office sa posibilidad ng kalamidad.
Ilan na lamang umano sa isinasagawa nilang paghahanda ay ang pakikiisa sa naganap na Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill noong 28 Hunyo.
Gayundin, ang palagiang koordinasyon ng RDRRMC sa mga Local DRRMCs para sa mga trainings ng kanilang mga kawani.
Samantala, idiniin din ni Pagsolingan ang kahalagahan ng kahandaan, sakaling tumama umano ang inaasahang Magnitude 8.2 sa west valley fault, bagamat walang katiyakan kung kailan ito tatama. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨