𝗥𝗘𝗚𝗜𝗦𝗧𝗘𝗥𝗘𝗗 𝗩𝗢𝗧𝗘𝗥𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗦𝗔 𝗛𝗜𝗚𝗜𝗧 𝗞𝗨𝗠𝗨𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗟𝗔𝗪𝗔𝗡𝗚 𝗠𝗜𝗟𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗔 – 𝗖𝗢𝗠𝗘𝗟𝗘𝗖 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Umabot na sa higit-kumulang dalawang milyon ang bilang ng mga Pangasinense na rehistrado bilang botante ayon sa Commission on Elections (COMELEC) Pangasinan.

Ayon sa tanggapan ng COMELEC Pangasinan, nasa 1, 974, 932 ang kabuuang bilang ng mga rehistradong botante sa lalawigan kasama na rito ang mga botanteng nagparehistro sa patuloy na isinasagawang satellite voter’s registration sa iba’t-ibang munisipalidad.

Nagpapatuloy pa rin ang isinasagawang voter’s registration sa mga munisipalidad at lungsod sa probinsya hanggang sa September 30, 2024 bilang paghahanda sa midterm election.

Samantala, nagsasagawa rin ng seminar at orientation ang ahensya sa mga nagpaparehistrong botante ukol sa kahalagahan ng kanilang karapatan sa pagboto. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments