𝗥𝗘𝗚𝗨𝗟𝗔𝗥 𝗠𝗢𝗡𝗜𝗧𝗢𝗥𝗜𝗡𝗚 𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗣𝗨𝗡𝗢𝗡𝗚 𝗡𝗔𝗜𝗧𝗔𝗡𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗡𝗚 𝗚𝗥𝗘𝗘𝗡 𝗖𝗔𝗡𝗢𝗣𝗬 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧, 𝗜𝗦𝗜𝗡𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔 𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟𝗔𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗔𝗟𝗔𝗪𝗜𝗚𝗔𝗡

Sinusubaybayan ng Pamahalaang Panlalawigan sa aksyon ng Provincial Agriculture Office ang mga puno na naitanim sa ilalim ng Green Canopy Project.

Kamakailan lamang ay binisita muli ng tanggapan ang Brgy. Muelang, Mangatarem na bahagi ng Daang Kalikasan kung saan magkasunod na itinanim noong Hulyo at Agosto 2023 ang 2,500 kasoy at 500 narra.

Base sa kanilang monitoring, 90% sa mga naitanim ay yumabong at patuloy na lumalaki.

Kaugnay nito, sa talaan ng tanggapan nasa abot 30,000 puno ang naitanim sa ilalim ng proyekto sa unang kwarter ng 2024. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments