Sinimulan na na ang pagsasaayos ng San Carlos City-Urbiztondo Road matapos ang ilang reklamo ng mga motorista at residente sa lugar na ito ay takaw aksidente.
Ayon sa abiso na inilabas ng Pamahalaang Panlungsod ng San Carlos, inilapit sa Provincial Engineering Office ang pagpapaayos nito.
Ikinatuwa naman ng mga motorista ang naturang proyekto dahil matagal nang lubak-lubak ang naturang kalsada na nagiging sanhi ng sunod sunod na disgrasya sa mga dumaraan.
Bagamat, unti-unti itong nilalagyan ng aspalto maari pa rin itong daanan ng mga motorista.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments