𝗥𝗘𝗛𝗔𝗕𝗜𝗟𝗜𝗧𝗔𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗦𝗠𝗔𝗟𝗟 𝗪𝗔𝗧𝗘𝗥 𝗜𝗠𝗣𝗢𝗨𝗡𝗗𝗜𝗡𝗚 𝗦𝗬𝗦𝗧𝗘𝗠, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗚𝗔𝗪𝗔

CAUAYAN CITY- Pinangunahan ni Mr. Manuel Cayaban ang survey team na nakatoka sa pagkuha ng mga mahahalagang datos para sa paparating na rehabilitasyon ng Dagupan Small Water Impounding System.

Ang nasabing inisyatiba ay itinakda ng National Irrigation Administration-Quirino Irrigation Management Office (NIA-QIMO) para sa taong 2025.

Layunin ng proyekto na muling ibalik ang canal lining sa may primary canal at palawakin ang canal infrastructure.


Kabilang sa survey ang detailed profiling at cross-sectional measurements ng 1.52 km na lined canal.

Facebook Comments