𝗥𝗘𝗛𝗜𝗦𝗧𝗥𝗢 𝗕𝗨𝗟𝗜𝗟𝗜𝗧 𝗡𝗚 𝗣𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭, 𝗣𝗔𝗧𝗨𝗟𝗢𝗬 𝗡𝗔 𝗨𝗠𝗔𝗔𝗥𝗔𝗡𝗚𝗞𝗔𝗗𝗔 𝗦𝗔 𝗜𝗕𝗔’𝗧-𝗜𝗕𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗨𝗚𝗔𝗥 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡

Patuloy ang isinasagawang on-site registration ng Philippine Statistics Authority Region 1 sa iba’t-ibang bayan ng Pangasinan upang maiparehistro ang mga bata sa ilalim ng programang Rehistro Bulilit.

Nakapaloob dito ang pagpaparehistro sa mga batang edad isa hanggang apat na taon para sa national ID. Ayon kay PSA Pangasinan PhilSys Focal Person Christopher Flores, sa mga nagnanais na iparehistro ang kanilang mga anak ay kinakailangang rehistrado o may PhilSys number na ang magulang ng mga bata dahil dito iuugnay ang magiging ID ng bata.

Mahalagang huwag kalimutan ang ilan pang importanteng dokumento ng bata at authorization letter naman kapag guardian ng bata ang kasamang magpaparehistro. Kamakailan ay dinagsa ng publiko ang Rehistro Bulilit na isinasagawa sa isang mall sa Rosales.

Target ng ahensya na isagawa programa sa sa San Carlos City at Lingayen ngayong Setyembre upang mas marami pang bata ang mairehistro sa ilalim ng PhilSys.|𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments