𝗥𝗘𝗞𝗟𝗔𝗠𝗢 𝗦𝗔 𝗗𝗘𝗟𝗔𝗬𝗘𝗗 𝗡𝗔 𝗣𝗔𝗚𝗕𝗜𝗕𝗜𝗚𝗔𝗬 𝗡𝗚 𝗢𝗥𝗖𝗥, 𝗗𝗨𝗠𝗔𝗥𝗔𝗠𝗜 𝗔𝗬𝗢𝗡 𝗦𝗔 𝗗𝗧𝗜 𝗥𝗘𝗚𝗜𝗢𝗡 𝟭

Patuloy na nakatatanggap ng reklamo ang Department of Trade and Industry (DTI Region 1) ukol sa mabagal o delayed na pagrerelease ng Official Receipt/ Certificate of registration o OR/CR.

Sa naging panayam ng IFM Daagupan kay H.A Zaldy Z. Zafra ang Chief ng Consumer protection Division ng DTI Region 1, marami ang nagpupunta sa kanilang tanggapan at inirereklamo ang mga dealer ng kotse at motorsiklo na hindi sumusunod sa ibinigay na araw ng pagbibigay ng OR/CR. Pinakamarami umano sa mga reklamo ay mula sa may-ari ng mga motorsiklo.

Bagamat tinatanggap at sinosolusyunan ng tanggapan ang mga ganitong reklamo, hinikayat ni Zafra ang publiko na idiretso na lamang ang complain sa Land Transportation Office o LTO upang mabilis na masolusyunan dahil ito rin ay kanilang isinasangguni sa nasabing ahensya.

Maaring magmulta ng 20,000 hanggang 500,000 at isa hanggang anim na buwan na suspensyon ang accreditation ng dealer kung hindi susunod sa napag-usapang araw ng pagbibigay ng OR/CR.

Kamakailan nagbabala ang LTO na hahabulin nito ang mga dealer ng sasakyan na hindi sumusunod sa itinakdang araw ng pagrerelease ng OR/CR. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments