π—₯π—˜π—¦π—–π—¨π—˜ π—˜π—€π—¨π—œπ—£π— π—˜π—‘π—§ π—‘π—š 𝗣𝗗π—₯π—₯𝗠𝗒, π—§π—œπ—‘π—œπ—¬π—”π—ž π—”π—‘π—š π—žπ—”π—›π—”π—‘π——π—”π—”π—‘

Tiniyak ng Pangasinan Disaster Risk Reduction Management Office (PDRRMO) na nakahanda ang rescue equipment nito sa posibleng pagsaklolo ngayong nararanasan ang diretsong ulan sa probinsya.

Ayon kay PDRRMO Head Vincent Chiu, handang maideploy anumang oras ang mga kagamitan tulad ng truck, aluminum boat, rubber boat, ambulansya at closed van.

Nauna nang siniguro na nasa maayos na kondisyon ang mga ito upang maging epektibo ang pagresponde at hindi magkaaberya sakaling may nangailangan ng tulong.

Samantala, kasalukuyang nakataas ang Yellow Warning level sa buong lalawigan ng Pangasinan dala ng Bagyong Carina.|π™„π™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments