π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ π—‘π—š π—•π—”π—Ÿπ—¨π—‘π—šπ—”π—’ 𝗔𝗧 π—¨π— π—œπ—‘π—šπ—”π—‘ π—‘π—”π—žπ—”π—§π—”π—žπ——π—”π—‘π—š π—§π—¨π— π—”π—‘π—šπ—šπ—”π—£ π—‘π—š π—₯π—˜π—Ÿπ—œπ—˜π—™ π—¦π—¨π—£π—£π—Ÿπ—œπ—˜π—¦ 𝗠𝗔𝗧𝗔𝗣𝗒𝗦 π— π—”π—žπ—”π—£π—”π—šπ—§π—”π—Ÿπ—” π—‘π—š π— π—šπ—” π—”π—£π—˜π—žπ—§π—”π——π—’π—‘π—š π—₯π—˜π—¦π—œπ——π—˜π—‘π—§π—˜ π——π—¨π—Ÿπ—’π—§ π—‘π—š π—•π—”π—šπ—¬π—’

Natanggap ng lokal na pamahalaan ng Balungao At Umingan ang augmentasyon ng hiniling na Family Food Packs kasunod ng pagkakatala ng apektadong mga residente dulot pa rin ng nararanasang kalamidad.

Kabuuang 2, 398 ng mga FFPs ang una nang itinurn-over sa LGU Balungao habang mayroon ding 2, 570 na naibigay na sa LGU Umingan, pawang mga munisipalidad sa lalawigan ng Pangasinan.

Inaasahang ipapamahagi ang mga relief supplies sa lalong madaling panahon upang matulungang maibsan ang nararanasang epekto ng bagyo sa mga residente.

Nasa higit limang libong mga pamilya na sa Pangasinan ang naitalang naapektuhan ng nararanasang pag-uulan bunsod ng Habagat na pinalalakas ng Bagyo.

Samantala, nakapreposisyon na ang mga FFPS sa Department of Social Welfare and Development Field Office 1 para sa distribusyon ng FFPs and NFIs sa mga naapektuhang populasyon. |π™žπ™›π™’π™£π™šπ™¬π™¨

Facebook Comments