𝗥𝗘𝗦𝗢𝗟𝗨𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗨𝗞𝗢𝗟 𝗦𝗔 𝗡𝗔𝗣𝗔𝗡𝗦𝗜𝗡𝗚 𝗠𝗚𝗔 𝗗𝗘𝗣𝗘𝗞𝗧𝗢 𝗦𝗔 𝗞𝗢𝗡𝗦𝗧𝗥𝗨𝗞𝗦𝗬𝗢𝗡 𝗡𝗚 𝗥𝗢𝗔𝗗 𝗣𝗥𝗢𝗝𝗘𝗖𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗚𝗨𝗣𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗜𝗡𝗜𝗛𝗔𝗜𝗡 𝗦𝗔 𝗦𝗔𝗡𝗚𝗚𝗨𝗡𝗜𝗔𝗡𝗚 𝗣𝗔𝗡𝗟𝗨𝗡𝗚𝗦𝗢𝗗

Iminungkahi sa naganap na regular session sa Sangguniang Panlungsod ng Dagupan ang isang resolusyong tutugon ukol sa napansing umanong mangilan-ngilang depekto sa isinasagawang road elevation at drainage upgrades sa lungsod ng Dagupan.

Sa ilalim ng Draft Resolution – 6399, umapela ang may akda sa DPWH Pangasinan 2nd District Engineering na humiling sa mga project contractors ang pagsasaayos ng ilan umanong depekto sa mga road projects maging ang pagpapalit sa ginamit na substandard na mga materyales.

Inihayag ni Councilor Coquia ang naipaparating na mga saloobin ng ilang residente.

Hiling naman ni Councilor Mike Fernandez na kung maaari umano ay tukuyin kung saang bahagi ng road projects ang nais na masolusyunan.

Giit naman ni Coquia na mainam kung ito ay pangkalahatan upang masuri lahat at hindi lamang ang mga nakitang may depektibo na maaaring magdulot ng aksidente.

Samantala, nagpapatuloy hanggang sa kasalukuyan ang mga road projects na isa sa nakikitang dahilan upang maibsan ang problemang pagbaha sa Dagupan City. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments