Wednesday, April 1, 2026

𝗥𝗘𝗦𝗢𝗥𝗧𝗦 𝗦𝗔 𝗖𝗔𝗨𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗖𝗜𝗧𝗬, 𝗛𝗔𝗡𝗗𝗔 𝗡𝗔 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗠𝗔𝗛𝗔𝗟 𝗡𝗔 𝗔𝗥𝗔𝗪

Cauayan City – Handa na para sa paggunita ng Mahal na araw ang mga resorts sa lungsod ng Cauayan.

Sa panayam ng IFM News Team kay Ginang Locadia Ducusin, manager ng isa sa mga resorts sa lungsod ng Cauayan, nakahanda na sila para sa posibleng pagdagsa ng mga tao ngayong Mahal na araw partikular na sa araw ng Sabado de Gloria at Linggo ng pagkabuhay.

Aniya, kabilang sa paghahanda na kanilang ginagawa ay ang paglilinis sa kanilang resort, pag-sisiguro na ligtas at maayos ang kanilang mga amenities, at pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad na magbabanta.

Para maiwasan ang drowning incident, may nakatalaga ring 4 na lifeguards na siyang magbabantay sa mga lalangoy sa pool.

Samantala, sa kabila ng epekto ng pagtaas ng produktong petrolyo sa kanilang operasyon ay hindi naman umano sila magtataas sa presyo ng entrance fee at mananatili pa rin ito sa dati.

Ngayon pa lang ay mayroon ng mga pulis na nagbabantay sa kanilang resort dahil may mangilan-ngilan na ring nagtutungo sa lugar.

Paalala naman ni Ginang Ducusin sa mga magtutungo sa resort lalo na sa mga magulang, magkasiyahan subalit dapat ay bantayan pa ring maigi ang kanilang mga anak upang maiiwas sila sa anumang uri ng insidente.

Facebook Comments