Isinusulong ngayon ng Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan ang Responsible Pet Ownership kasunod ito ng pagkakatala ng 125% na pagtaas sa kaso ng rabies sa probinsya.
Ayon sa Provincial Health Office siyam na ang nasawi sa sakit na rabies sa lalawigan, lima sa mga nasawi ay nakagat ng kanilang sariling aso.
Iminungkahi rin ng miyembro ng Sanggunian Panlalawigan ang paghikayat sa lahat ng lokal na pamahalaan sa lalawigan na makipag-ugnayan at makipagtulungan upang matugunan ang krisis sa rabies.
Nauna nang inihayag ng Provincial Hospital Management Services Office na naglaan mg 16 milyon ang provincial government para sa pagbili ng anti-rabies vaccine.
Samantala, nakatakda namang ipatupad sa susunod na taon ang Rabies Control Program ng provincial government. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨