Sa pag-uumpisa ng buwan ng Disyembre, simula na sa pagkuha ng mga permit at clearance ang mga retailer ng paputok sa Pangasinan sa ahensya ng Bureau of Fire Protection.
Ang pagkuha nila ng permit at clearances ay para masigurong legal silang makakapagbenta ng paputok ngayong pasko at bagong taon.
Ayon sa panayam ng IFM Dagupan kay BPF Pangasinan PIO Ciara Capule, sinabi nitong nag umpisa na rin ang kanilang Oplan paalala iwas paputok kung saan kampanya nila ito sa pag iwas sa disgrasya na may kinalaman sa mga paputok.
Tuloy tuloy din ang kanilang pagsasagawa ng mga monitoring at inspection sa mga establishments na nagbebenta ng paputok nang sa gayon ay masiguro na sumusunod ang mga ito sa standard protocols. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments