𝗥𝗘𝗧𝗔𝗜𝗟 𝗣𝗥𝗜𝗖𝗘 𝗡𝗚 𝗜𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗟𝗢𝗪𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗔𝗧 𝗛𝗜𝗚𝗛𝗟𝗔𝗡𝗗 𝗩𝗘𝗚𝗘𝗧𝗔𝗕𝗟𝗘𝗦 𝗦𝗔 𝗣𝗔𝗡𝗚𝗔𝗦𝗜𝗡𝗔𝗡, 𝗡𝗔𝗡𝗔𝗡𝗔𝗧𝗜𝗟𝗜 𝗦𝗔 𝗗𝗔𝗧𝗜 𝗡𝗜𝗧𝗢𝗡𝗚 𝗣𝗥𝗘𝗦𝗬𝗢

Nananatili pa rin sa dating nitong retail price kung ikukumpara noong nakaraang linggo lamang ang mga pangunahing lowland at highland vegetables na binibili ngayon sa mga palengke sa lalawigan.

Mas mababa ang presyo ng highland vegetables kesa sa mga lowland vegetables kung saan ang repolyo ay nasa ₱40 ang kada kilo, carrots na nasa ₱80, at sayote na nasa ₱40 din.

Ang mga lowland vegetables naman, mas mataas ng bente pesos ang native na pechay na nasa ₱60 kada kilo kung ikukumpara sa highland vegetable na pechay kung saan nasa ₱40 lamang ang kada kilo.

Ang kalabasa at kamatis ay nasa ₱40 din ang kada kilo, okra na nasa ₱80, habang ang sitaw at talong naman ay nasa ₱100 ang kada kilo.

Dahil sa mababang presyo ng ilan sa mga gulay, madalas ngayon ang pagbili ng mga konsyumer sa naturang produkto at sinusulit na ang pagbaba ng presyo ng mga ito sa ngayon. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments